Post

2 min read

Hindi ako palamura at never ako magmumura lalo na sa harap ng matatanda pero tangina dahil sa trato nila sakin gusto ko sila murahin ng murahin. Pagkakasala siya oo, pero di ko na alam. Kung wala lang akong self-awareness depressed na ako ngayon. At sigurado nagawa ko na ring saktan ang sarili ko. Thank u sa sarili ko dahil nagagawa kong hindi pansinin lahat ng pinagsasabi ng mga demonyo sa bahay na toh. Wala akong mapagsabihan kahit madami ako kapatid alam kung di ko masasabi sa kanila lahat ng toh. Dahil walang makakaintindi sa sarili ko kundi ako lang, ako at ako lang. Naisip ko kaysa sa ipunin ko sa utak, isulat ko nalang dito. Dahil kung nasa utak ko nalang lahat sasabog na ako. Ni hindi na ako lumalabas ng kwarto. Tapos may bisita pang dumating alangan na umakto ako na parang walang nangyayari. Anong gusto niya magpakitang tao ako. Wala silang karapatan na magbigay ako ng respeto sa iba. Dahil kung bakit ako ganito ay dahil rin sa kanila. Sobra-sobra na sila kapag nakikita ko sila naaalala ko lahat ng masasakit na salita na sinasabi nila. Hindi ba nila naririnig sarili nila. Kung tumanda kaya sila, mura-murahin ko rin sila. Tinatawag nila akong walnag kwenta pero di nila alam na kung matanda na sila sinabi ko noon sa sarili ko na ako ang mag-aalaga sa kanila at ibibigay ko yung mga gusto nila...pinaplano ko yan lahat noon pero ganto sila sakin ngayon.

Yours Sincerely,Anonymous

Comments (0)

No comments